So Close To Love 07/25/2011
Category: Books Genre: Romance Author: Yzabel Released Date: July 26, 2011 Teaser: Sampung taong namahay sa puso ni Jelyka ang galit dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Hugo, ang lalaking una niyang minahal. Sa mga panahong iyon, si Kenneth ang naging karamay niya sa kalungkutan niya. Hanggang isang araw, napagtanto niya na attracted na pala siya rito. Itinuro nito sa kanya kung paano siya magsisimula. Ipinalasap nito sa kanya kung paano uli umibig. Handa na sana siyang maranasan uli ang mahalin at magmahal nang matuklasan niya na isa pala ito sa mga nakakaalam ng katotohanan kung bakit nakipaghiwalay sa kanya si Hugo. Hindi niya matanggap na ang kinamuhian niyang tao ay hindi pala dapat kamuhian. Higit sa lahat, hindi niya matanggap na ang lalaking natutuhan niyang mahalin ay kabilang sa mga taong nagsinungaling sa kanya sa napakahabang panahon. Add Comment A Breath of Faith 10/26/2010
Category: Books Genre: Romance Author: Yzabel Released Date: October 27, 2010 Teaser: Si Marion Castro ang dream guy na yata ng lahat ng mga babae, maliban kay Raina. Para sa kanya, ang ipakasal sa hambog na lalaki ang pinakahuling bagay na aasamin niya sa buhay. Pakiramdam niya ay katumbas iyon ng isang sumpa. Pero dahil sa labis na pagpapahalaga niya sa kanyang ama ay hindi siya tumutol sa kagustuhan nitong ipakasal siya kay Marion, kahit ang kapalit niyon ay pagtalikod niya sa sariling mga pangarap niya. Sa umpisa ay tila isang bangungot ang pagsasama nila. Pero nagawa ni Marion na buksan ang puso niya para umibig dito. Ngunit nang akala niya ay maayos na ang lahat sa pagitan nila, saka niya nalaman ang panlolokong ginawa nito sa kanya. Pakiramdam niya ay unti-unti siyang namamatay. Hindi na rin niya alam kung dapat pa niyang hayaan ang puso niyang patuloy na umibig sa lalaking nangako na pangangalagaan siya pero nagawa rin siyang saktan. April's Fool In Love 09/01/2010
Category: Books Genre: Romance Author: Yzabel Released Date: September 01, 2010 Teaser: Dahil sa sobrang pagmamahal ni April kay Hugo, kahit masaktan siya sa ginagawa nitong pang-i-snub at pambabale-wala sa kanya ay kinakaya niya. Kahit pakiramdam niya ay nanliliit na siya sa mga sinasabi nito sa kanya ay hindi siya nagpaawat sa pagpapapansin dito. Tila ilag kasi ito sa mga babae. Hindi naman niya masisi ito dahil may masakit itong nakaraan—isang hindi magandang karanasan sa babae na sumira ng buhay nito. Paano niya tuturuan ang puso nito na muling umibig? Paano niya muling bibigyang-kulay ang madilim na mundo nito? Alesia's Tears 12/17/2009
Category: Books Genre: Romance Author: Yzabel Released Date: December 17, 2009 Teaser: Matagal nang pinapangarap ni Alesia si Tristan ngunit isang kid sister lang ang turing nito sa kanya. Suntok sa buwan na mapasakanya ito dahil may ibang laman ang puso nito—si Jolie. Pero isang di-inaasahang pangyayari ang nagbigay-daan para mabigyan siya ng pagkakataon na makapiling at mahalin ito. Ngunit taliwas sa kanyang inaasahan, hindi pala kaligayahan ang madarama niya sa piling nito. Kakayanin ba niyang tanggapin ang lahat ng paghihirap para lamang makuha ang pagmamahal na inilaan na ni Tristan para sa ibang babae? Hanggang saan ang kaya niyang gawin para tuluyang maangkin ang inaasam niyang pag-ibig nito? My Second Chance to Love 06/17/2009
Category: Books Genre: Romance Author: Yzabel Released Date: June 17, 2009 Teaser: Maraming buwan na ang lumipas pero nahihirapan pa rin si Kate na kalimutan ang ex-boyfriend niyang si Jasper. Nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso ang pagpaparaya niya rito at sa babaeng ipinalit nito sa kanya. Para sa kanya ay hindi na mababalik ang dating sigla niya. Mali pala siya. Dahil nakilala niya si Ethan, ang makulit pero simpatikong abogado na pagkatapos niyang makabanggaan ay nagpakita ng interes sa kanya. Misteryoso ang dating nito sa kanya pero dahil sa sweetness at espesyal na atensiyong ibinibigay nito sa kanya ay unti-unting uli siyang natutong ngumiti. Ito na nga kaya ang lalaking mag-aahon sa kanya mula sa malungkot na kahapon at aakay sa kanya sa masayang bukas na pinapangarap niya? |





RSS Feed